Friday 3 August 2018

Filipino: Wika ng Saliksik

Filipino. Ito ay kilala natin bilang wika ng pilipinas. Pero hanggang dito lang ba ang ibig sabihin ng filipino?

Ang wika natin ay ipinapakita kung sino tayo. Ano ang ating identity at pagkatao ay naipapakita rin dito. Pero kung titingnan natin ng mas malalim, ang filipino bilang wika ng saliksik, ba't nga ba tinatawag ang ating wika sa ganitong paraan? Mula sa salitang saliksik, maghanap at magdiskobre. Ang ating wika ay patuloy na umuunlad at nagbabago para sa ikabubuti ng mga pilipino

Patuloy na inaayos ang mga mali at mas nagiging tama ito. Ang wika natin ay di gaano kaunlad sapagkat ito ay may mga pagkukulang rin sa komunikasyon ng bawat isa pero dahil dito natatawag nating wika ng saliksik ang filipino. Nakikita natin na ang filipino ay patuloy na nagdidiskobre at naghahanap ng mga paraan upang tayo na mamamayang pilipino at pati na rin sa mga dayuhang gustong matuto ay magkaroon ng mas makabuluhang komunikasyon

3 comments:

  1. Napakahusay mo! Kaibigan, inaasahan kitang maging kinatawan ng pambansang pagbabago. #discovermore #worrryless

    ReplyDelete
  2. Lubos kong naunawaan ang ninanais mong ipahatid na konteksto. Isa kang magaling na manunulat. Ako sana'y huwag mong kalimutan kapag ika'y naging isang makata balang araw.

    ReplyDelete
  3. Mahusay ipagpatuloy mo lang ang iyong pagsusulat. Napakaganda ng nais mong iparating.

    ReplyDelete