Thursday 22 November 2018

Komunikasyon!

Ang gadget ay nakapagbibigay ng malaking pagbabago sa pamumuhay ng tao. Lalo na sa komunikasyon, mas advance na pag aaral at marami pang iba. Tunay ngang marami na ang positibong epekto ng paggamit ng gadgets, pero hindi natin maipagkakaila na madami rin itong hindi mabuting epekto gaya nga ng hindi bumubuting ugnayan ng mga miyembro sa pamilya.

Image result for family with gadgets
Tunay ngang isa na ang gadgets ang nagiging sangi ng pagkakaroon ng mali or hindi mabuting ugnayan sa pamilya at kapwa dahil nga sa maling paggamit nito. Karamihan sa atin ay gumagamit ng nito at ginagamit ito sa maling paraan. Komunikasyon nga ang dahilan ng pag imbento nito at pero ito na rin ang unti-unting sumisira sa ugnayan ng mga tao. Nagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan, pagkakalat ng "fake news" at ginagamit na rin ito sa personal na kagustuhan. Hindi natin maipagkakaila na hindi natin ito nagagawa dahil nga sa iba ang naging pananaw natin sa gamit nito. Nagiging distraksyon na rin ito sa karamihan.

tutunan natin ang paggamit sa mga gadget na ayon sa kung ano ang tunay na hangarin nito. Hindi para sa personal na hangarin pero para sa hangarin ng paggawa nito na mapabuti ang ugnayan ng bawat isa.

Reference:https://buxlead.net/top-tips-for-how-to-protect-your-gadgets-and-outsmart-phone-thieves-plus-win-100000-with-sun-savers/

No comments:

Post a Comment